Malimit na tinatanong at mga kasagutan

Select Language
Pasaporte
Nakatira ako sa Japan.  Nawala ko ang pasaporte ko.  Anong gagawin ko?

Kapag nawala ng isang dayuhan ang pasaporte niya, kailangang gawin niya ang mga sumusunod.
①     Pumuta sa pinakamalapit na estasyon ng pulis at i-report ang pagkawala.  Kumuha ng certificate of theft o certificate of loss ng pasaporte.

②     Kontakin ang embahada o konsulado ng sariling bansa at magpagawa ng bagong pasaporte (provisional passport/travel affidavit) .

Osaka Police
Mga Embahada

Pagpasok
Paano pumasok sa Japan?

Mga pamamaraan

① Kung baguhang papasok sa Japan, kailangang ipakita sa immigration officer ang passport at “ED Card” (Foreigner Entry Record). Kapag pumasa sa kondisyones para pumasok, didikitan ang pasaporte ng seal na “Permission to Land”.  Ang taong mid to long term ang pamamalagi sa Japan ay bibigyan ng Residence Card . Bibigyan ng Residentce Card sa New Chitose Airport, Haneda Airport, Narita Airport, Chubu Airport, Kansai Airport, Hiroshima Airport o Fukuoka Airport. Kung papasok sa Japan sa ibang airport, ilalagay sa passport ninyo na "Residence card will be issued at a later date". Pagkatapos ninyong mag-rehistro ng address ninyo sa munisipyo, ipapadala sa inyo ang Residence Card gamit ang rehistradong sulat.

② Kung may “Re-entry Permit” kayo, hindi na ninyo kailangan ng bagong bisa. Ipapakita lang ang passport na may re-entry permit na sticker at ED Card na pang-re-entry sa opisyal ng imigrasyon.

③ Ang lumabas ng Japan gamit ang “Special Re-entry”, kung babalik kayo sa Japan sa loob ng isang taon (2 taon para sa mga Special Permanent Resident), hindi na ninyo kailangan ng bagong bisa. Ipakita lang ang valid na pasaporte. (Kung yung bisa ninyo ay kukulang ng isang taon bago matapos, hanggang sa bago matapos ang bisa ninyo.) Sa re-entry ED card ay may box na kailangang i-tsek kung babalik kayo sa Japan gamit ang “Special Re-entry”. * Posibleng ipapakita ang Residence Card mo sa pagbalik mo sa Japan.

Tignan ang website ng Immigration Service Agency of Japan para sa mga detalyeng pagpasok sa Japan.

Paninirahan | Listahan ng mga uri ng Visa
Paninirahan | Pansamantalang pagbibisita
Anu-anong aktibidades ang pwedeng gawin sa Temporary Visit or na status?

Ang sinumang may Temporary Visitor na status ay hindi pwedeng magtrabaho o gumawa ng anumang akitibidades na tatanggap ng pera maliban sa mga kasong nakatakda sa Artikulo 19, Talata 3 ng Regulation for Enforcement of the Immigration Control and Refugee Recognition Act. Ang pwedeng gawin ay sightseeing, libangan, sports, bumisita ng kamag-anak o kaibigan, sumali sa mga observation/study tour, seminar o meeting, pakikipagkita para sa negosyo at mga gawain tulad nito.

Paninirahan | Bisa na may kinalaman sa pagtatrabaho
Gusto kong magtrabaho sa Japan bilang language teacher.  Ano ang dapat kong gawin?

Depende kung saan ka magtratrabaho, maiiba ang residence status.

①    Ang status na “Professor” ay para sa mga mag-re-research o magtuturo sa isang unibersidad o mataas na paaralan.

②    Ang status na “Instructor” ay para sa mga magtuturo ng wika o iba pa sa paaralang elementarya, junior high school, high school, eskwela para sa may espesyal na pangangailangan, o institusyon na kapareho ng mga ito.

③   Ang status na “Engineer / Specialist in Humanities / International Services” ay para sa mga magtuturo ng wika sa isang language school na pinapatakbo ng isang kumpanya, o para sa mga magtuturo ng wika so loob ng kumpanya.

Para sa mga detalye, tignan ang website ng Immigration Service Agency of Japan.

Paninirahan | Uri ng bias na pinahihintulutang magtrabaho
Pwede ba akong magpatuloy maghanap ng trabaho ang international student pagkatapos graduwasyon?

Kapag nagtapos ang isang international student at wala pa itong trabaho, pwede papalitan ang status niya sa “Designated Activities” at maipapagpatuloy ang paghahanap ng trabaho.  Sa saligang susuportahan ka ng eskwelahan mo, pwedeng mong papalitan ang status sa “Designated Activities”at magpatuloy na maghanap ng trabaho sa loob ng isang taon sa pinakamahaba. Para sa mga detalye, tignan ang website ng Immigration Service Agency of Japan.

Paninirahan | Edukasyon
Paninirahan | Pag-sasanay
Paninirahan | Bisa na ang pinagbabatayan ay ang pakikipag ugnayan sa pamilya o batay sa pag-aaral
Gusto kong magpakasal sa isang dayuhang babae sa abroad.  Pagkatapos naming magpakasal sa bansa niya, gusto ko siyang papuntahin sa Japan at magsama kami.

Pagpapakasal: Magpakasal muna sa balidong pamamaraan sa abroad.  May dalawang paraan para mapapunta sa Japan.

<Paraan para Papuntahin sa Japan>
①  Advance Visa Application: Ang aplikante ay pupunta sa Japanese Embassy sa kaniyang bansa at mag-aplay ng “Spouse of Japanese National”.
②   Certificate of Eligibility: Kapag nakauwi na ang asawang hapon sa Japan, pumunta siya sa pinakamalapit na immigration office at mag-aplay ng Certificate of Eligibility para sa asawa niyang biilang proxy niya. Kapag nakuha na ang Certificate of Eligibility, ipadala ito sa asawa at pag-aplayin siya ng bisa sa Japanese Embassy sa bansa niya.

Nasa Japan ako bilang isang estudyante.  Gusto kong papuntahin din dito ang asawa’t anak ko.  Anong dapat kong gawin?  Pwede rin bang magtrabaho ang asawa ko?

Ang estudyanteng magpapapunta sa pamilya ay dapat pumunta sa pinakamalapit na immigration office at mag-aplay ng Certificate of Eligibility ng “Dependent”.

Magtanong sa Immigration Office kung paano mag-aplay para sa “Dependent” Certificate of Eligibility.

Hindi pwedeng magtrabaho ang “Dependent” pero pag nakakuha ng “Permission to Engage in Activities Other Than Those Permitted by Current Status of Residence”pwede siyang mag-part-time job. (May limitasyon sa oras na pwedeng magtrabaho at sa klase ng trabaho.)

Paninirahan | Proseso sa pagiging permanenteng residente
Ano ang kailangan para ma-renew ang bisa?

Kung gusto mong manatili sa Japan at ipagpatuloy ang ginagawa mo, pwede kang mag-renew ng bisa.  Ang panahon na puwede kang mag-renew ng bisa ay mula 3 buwan bago mag-expire ito.

Tignan ang HP ng Imigrasyon para sa “Guideline ng Pagpalit at Pag-renew ng bisa"

Mag-asawa kaming dayuhan na nakatira sa Japan. Ipinanganak na ang anak namin. Anong dapat gawin?

Kung ang magulang ay parehon dayuhan, ang anak ay dayuhan rin at kailangang kumuha ng residential status.  Ang pag-aplay ng residential status ay ginagawa sa immigration office sa loob ng 30 araw pagkatapos ipanganak ang bata.  Kung lalabas ng Japan sa loob ng 60 na araw pagkatapos itong ipanganak (hindi kasama ang paglabas ng bansa gamit ang Re-entry Permit) hindi kailangan ng aplikasyon. Kung walang balidong visa ang magulang o ipinade-deport sila, hindi pwedeng kumuha ng residential status ang bata.

<Pagbibigay-alam ng Panganganak>
Ipagbiga alam ang panganganak sa munisipyo sa loob ng 14 na araw pagkatapos manganak.  Kapag ipinagbigay-alam ito, bibigyan ang bata ng status na “overstaying by birth” at gagawan siya ng Certificate of Residence. (Kung hindi ka mag-aplay ng resident status ng bata, mawawala ang certificate of residence niya.)

<Pagkuha ng Residential Status>
Ang mga dokumentong kailangan para mag-aplay ng Residential Status ay ang. mga sumusunod.
・Dokumentong nagpapakita ng panganganak (Birth Certificate, Mother and Child Health Handbook, etc.)
・Dokumentong nagpapakita kung ano ang ginagawa mo sa Japan
・Pasaporte (kung hindi maipapakita ang pasaporte, yung dahilan)

< Residentce Card >
Kapag nakakuha ng Resident Status at naging mid or long term resident, bibigyan ang bata ng Residentce Card.

Ano ang kailangan para makakuha ng Permanen Residency?

Tignan ang online “ Mga Alituntunin para sa Permanent Residency” na nasa homepage ng Bureau of Immigration. 

<Mga Rekisito>

·    Kinakailangan ang mabuting pag-uugali.
Sapat na nagampanan ang mga tungkuling pangsibil at namumuhay bilang isang maayos at desenteng mamamayan. 

·    May kakayahan na buhayin ang sarili gamit ang sariling kayamanan o kakayahan.
Hindi pabigat sa panlipunan at sapat ang kayamanan o kakayahan para buhayin ang sarili.

·    Ang pagiging permanent resident ay mabuti para sa Japan.

Bukod sa “Permanent Residency Guideline para sa mga Napatunayang May Kontribusyon sa Japan”  ay makikita rin “Mga Kasong Natanggap at di Natanggap para sa Permanent Residency sa mga Napatunayang May Kontribusyon sa Japan”.

Kailan kailangan ng “Permission to engage in activities other than those permitted by current status of residence”?

Ang pwedeng gawin ng isang dayuhan sa Japan ay limitado ng kanyang residential status at hindi pwedeng tumanggap ng sahod o pera mula sa aktibidades na hindi pwedeng gawin.  Subalit kung hindi makakaabala sa talagang dapat mong gawin, pwede kang magtrabaho at ito ang sistema para gawin yon.  Ang Spouse of Japanese National, Long-term resident, Spouse of Permanent Resident at Permanent Resident ay walang limitasyon sa aktibidades nila kaya hindi kailangan ng “Permission to Engage in Activities Other Than Those Permitted by Current Status of Residence”.

Meron akong status na long term, pero gusto kong umuwi sa bansa ko panandalian.  Ano ang kailangan kong gawin?

Kung isang mid or long term resident ay lalabas ng Japan at balak bumalik gamit ang parehong residential status, may dalawang paraan depende sa tagal ng panahon na wala sa Japan.

Kung wala sa Japan ng kumulang na 1 taon:
Ang dayuhang may balidong Pasaporter at Residentce Card (Special Permanent Resident Card para sa Special Permanent Resident) kung lalabas sila ng Japan ng kumulang sa 1 taon (*kung kulang ng isang taon ang bisa, hanggang matapos ang bisa. Para sa Special Permanent Resident, hanggang 2 taon.) at babalik gamit ang parehong status, kakailanganin nila ng Special Re-entry.  Sa sistemang ito, hindi pwedeng i-extend ang panahong pwedeng ilagi sa abroad kung nasa abroad pa sila.  Kung hindi sila bumalik sa Japan sa loob ng 1 taon(*), mawawala ang kanilang residential status.

Kung lalampas ng 1 taon (2 taon para sa Special Permant Resident) sa Labas ng Japan:
Bago umalis, pwede kang kumuha ng “Re-entry Permit” sa pinakamalapit na Immigration Office.
Limitasyon: Ang “Re-entry Permit” ay balido hanggang 5 taon lamang (6 na taon para sa Special Permanent Resident).

Umalis na ako mula kumpanyang pinagtratrabahuhan ko ng 3 taon at may bago na akong trabaho.  May kailangan ba akong gawin?

And sinumang may working visa tulad ng “Engineer / Specialist in Humanities / International Services” at nagpalit ng trabaho ay kailangang mag-report sa Bureau of Immigration.  Ang institusyong kinabibilangan mo ay kailangan ring ipaalam ito sa loob ng 14 na araw.  I-kukumpirma kung ang bagong trabaho mo ay sakop ng bisa mo at para mabilis ang pag-renew mo ng bisa, pwede kang mag-aplay ng “Certificate of Authorized Employment”.  Kung mayroon ka nito at mag-aplay ka ng bagong trabaho, malalaman ng inaaplayan mo na ang trabaho ay sakop ng bisa mo.  Ang certificate na ito ay makukuha lamang kung mag-aaplay ka.  Hindi pwersahan ito.

Paninirahan | Paglabag ng patakaran ng imigrasyon
Sistema ng rehistro ng mga dayuhang mamamayan
Dumating ako sa Japan gamit ang Temporary Visa.  Pwede ba akong makatanggap ng Residentce Card ? Balak kong i-renew ang bisa ko at manatili ng mahigit sa tatlong buwan.  Gusto ko ng Residence Card para sa ID ko.

Kung pumasok kayo sa Japan gamit ang "Temporary Visitor Visa", hindi kayo maiisyuhan ng Residence Card kahit manatili kayo sa Japan nang tatlong buwan o higit pa pagkatapos ng renewal ng inyong bisa. Ang Residence Card ay ibinibigay lamang sa mga mid to long-term stay na dayuhan. Ang mga nakalista sa ibaba ay hindi makakatanggap ng Residence Card.

  1. Ang mga nakakuha ng resident status na hindi hihigit sa tatlong buwan.
  2. Ang mga nabigyan ng “Temporary Visitor” status
  3. Ang mga nabigyan ng Diplomat” o “Official” status.
  4. Ang mga taong nakasaad sa ordinansa ng Ministry of Justice na tulad ng mga dayuhan sa 1 - 3 sa itaas.
  5. Ang mga Special Permanent Resident. (Binibigyan sila ng Special Permanent Resident Certificate )
  6. Ang mga walang status of residence .
Anong kailangan kong gawin bago ako lumipat sa ibang munisipyo o sa ibang bansa?

Magbigay muna ng “Notice of Moving Out” sa munisipyong tinitirhan ngayon.  Pagkatapos mong lumipat sa bagong tirahan, magbigay ng “Notice of Moving In” sa loob ng 14 araw pagkatapos lumipat.   Kailangan mo ang Residence Card or Special Permanent Resident Card mo at “Certificate of Moving Out”.  Kung lilipat ka sa loob ng parehong siyudad, kailangan mo pa ring magreport sa munisipyo sa loob ng 14 na araw.

Kung lilipat ka sa abroad, kailangan mo pa ring magbigay ng “Notice of Moving Out”. Sa kasong ito, walang ibibigay sa iyo na “Certificate of Moving Out”.  Kung babalik ka sa Japan gamit ang Re-entry Permit at may tirahan ka na, kailangan mong dalhin ang pasaporte at Residence Card mo at magreport ng pagipat mo. 

Kung hindi mo ginawa ang kinakailangang proseso, maaaring maparusahan ka o mawala ang residential status mo.

PAGE TOP